There was something about you that I fell for instantly. I saw it in your eyes and it connected to my heart and I fell really hard.
Gasgas na dahilan, pero sadyang kapit sa patalim ang ginawa ni Glyzell na pagpayag para maging stripper. Ang unang trabaho niya: maging regalo sa groom sa isang stag party.
Hindi sukat-akalain ni Glyzell na sa party na iyon pa niya muling makakadaupang-palad ang lalaking bumihag sa kanyang puso sa unang pagkikita pa lamang: si Clay, ang guwapong heredero ng sikat na lingerie brand na La Tecla, at kaibigan ng ikakasal.
Iniligtas siya ni Clay sa tiyak na pagkawasak ng kanyang puri nang gabing iyon. Kung sana ay kaya ring sagipin ng binata ang puso ni Glyzell na tuluyan nang nahulog para kay Clay