Palpak sa pagpili ng lalaking mamahalin ang kakambal ni Sydney. Lahat ng mga naging boyfriends nito ay pinaiyak lang ito. Ang masaklap, ang tigas ng ulo nito at hindi nadadala.
Matagal nang may crush sa kakambal niya ang kaibigan niyang si Kyle. Ang problema, hindi ito pinapansin ng kakambal niya. Wala raw kasing kaanghang-anghang ang personalidad ni Kyle. So Sydney came up with a plan that might just make her sister see Kyle in a different light.
But the plan backfired. At sa pagpalpak na iyon ng plano niya ay mukhang siya pa ang madidisgrasya dahil ang natutulog na puso niya ay naalog at nagising. Sa halip na ang kakambal niya ang mag-iba ang tingin kay Kyle ay ang mga mata niya ang nabuksan.
Ang problema, kung kailan nagsisimula na siyang mangarap ay saka naman nagpasya ang kapatid niya na bigyan ng pansin sa wakas si Kyle.