Alam kong ambisyoso akong tingnan, pero ikaw na lang talaga ang tanging pangarap ko.
Lila wanted to give his father a dose of his own medicine. Kaya naghanap siya sa mga gay bar ng lalaking iha-hire bilang pekeng boyfriend. Dating entertainer sa Japan ang pakakasalan ng kanyang biyudong ama, puwes, hahanap siya ng macho dancer! Ang siste, ang guwapong waiter na si Kian ang kanyang napili.
Hindi alintana ni Lila ang mga paalala ng kanyang best friend na baka mag-boomerang sa kanya ang kagagahan niya, et cetera.
Higit sa pagba-backfire sa kanya, may mga natutuhan si Lila sa kanyang ginawa. Natuto siyang umunawa. Natuto siyang magmahal.