Ang weird ng trabahong inaalok kay Lucy ni Lola Trinidad kaibiganin daw niya ang apo nitong si Trino. Simula raw kasi nang ma-involve ito sa isang aksidente ay tila may sarili na itong mundo. Hindi na rin daw ito tumingin pa sa ibang babae simula nang iwan ito ng girlfriend nito pagkatapos ng aksidente.
Palibhasa ay desperado na siyang magkatrabaho kaya tinanggap niya ang alok nito.
Medyo nahirapan siya sa trabahong iyon. Tila determinado si Trino na huwag siyang papasukin sa mundo nito. But, slowly but surely, she managed to find a way. The problem was, she started to feel something deeper for him.
And she thought her feeling was reciprocated. Sa katunayan, malakas ang kutob niyang siya ang babaeng tinutukoy nito nang sabihin nitong, “Nahanap ko na ang babaeng magpapasaya sa akin.”
Pero bakit nang dumating ang araw na ipapakilala na nito ang “babae” sa lola nito ay ang ex-girlfriend nito ang dinala nito sa bahay?