Nakilala ni Gwyneth si Cole isang gabing lasing na lasing siya. Their meeting was quite theatrical. Iniligtas kasi siya nito sa isang lalaking nambabastos sa kanya. From then on, hindi na niya nakalimutan ito. Siya na mismo ang gumawa ng paraan para magkaroon uli sila ng ugnayan.
Hindi siya makapaniwala sa epektong dulot nito sa kanya. Laking pasasalamat niya at mukhang pareho sila ng nararamdaman. He seemed to be so perfect for her. Ito ang matagal na niyang hinihintaythe man of her dreams.
Pero isang bagay ang napag-alaman niya tungkol dito. Everything about their meeting was just a bloody setup. She was just a job he had to get and finish. Niloloko lamang pala siya nito mula pa sa simula. Ang masakit, nahulog siya sa bitag nito nang walang kahirap-hirap