Alam mo bang sapat na ang ilang segundong yakap mo para malampasan ko ang mga miserableng siglong darating? Kung lalayo ka, iwanan mo sa akin ang ilang segundong yakap na kailangan ko.
Nang mamatay ang abuelo ni Mina ay naramdaman niyang hindi na niya kakayaning harapin ang anumang masamang plano sa kanya ng tiyahin niya. Kaya naisip niyang takasan ang lahat. Kasama ang best friend niya ay umalis sila ng Palawan para magtungo sa Ancestral House sa Laguna na ipinamana sa kanilang dalawa ng abuelo niya.
Inakala niyang magiging maayos ang lahat subalit hindi. May kaaway na lihim na kumikilos sa bahay na iyonpaulit-ulit silang tinatakot at umabot pa sa pagdukot sa kanya. Hindi niya naisip na ang banta ng panganib sa buhay niya ay siya ring magdadala sa kanya sa poder ni Dr. Yshael Vruenzh, ang doktor na hindi marunong ngumiti pero makabubuhay ng bato kung makatitig. Sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ay na-imagine na niya ang sweet na happy ending nila. Ito ang dream man na nais niyang makasama sa forever you and me na pangarap niya.
Pero may lihim pala ang doktor. Isang lihim na hindi niya gugustuhing malaman