Category: | Precious Hearts Romances |
Weight: | grams |
Texture: | |
Stocks Left: | |
Quantity: |
Size: | |
Weight: | grams |
Texture: |
Nagpunta sa Baguio si Ruth para sa isang assignment. Kailangan niyang interview-hin si Aldrei Gucelli, isang elusive artist na dalawang kulay lang ang dominante sa mga painting—gray at itim. Naisip ni Ruth na baka senior citizen na ito at malungkot ang buhay. Nag-expect siya na magiging madali ang lahat. Pero mali si Ruth. Nainitan, nagutom, nalamigan, inulan na siya’t lahat sa labas ng gate ng bahay ng artist, pero ni anino nito ay hindi niya nakita.
Pero sa puntong halos mawalan na ng malay sa lamig si Ruth, bumukas ang gate ng rest house. Nalantad sa mga mata niya ang isang long-haired na lalaki na puno ng mantsa ng kulay ang mukha at katawan. Nganga si Ruth. Guwapong “taong-grasa” at hindi pala isang senior citizen ang nasa loob ng bahay na bumubukas na lang basta ang gate kahit walang tao.
Galit pala sa mundo ang artist. Parang sasakalin na lang siya nito anytime. Give up na agad si Ruth. Hindi niya kayang tapusin ang assignment. Mapapaaga ang heart attack niya sa stress.
Pero may alok ang kanyang boss kung tatapusin niya ang assignment, mapupunta sa kanya ang Encantador, ang last original work ng namatay na artist na si Tres. Hindi puwedeng pakawalan ni Ruth ang chance. Ang Encantador kasi ang susi sa malabo niyang nakaraan.
Kayanin kaya ni Ruth ang mga sekreto ni Aldrei Gucelli? O matatagpuan niya ang sariling nakakulong sa kakaibang hatak ng artist, at sa mundo nitong marahas at ang mahihina ay walang ligtas…
Author: Victoria Amor
Pages: 512
Binding: Paperback
Publishing Date: 2018
Language: Tagalog
Reading level: Adult