Magpahanggang ngayon, walang ibang kilala ang puso niya na maging object of her desire and fantasy kundi si Alejo.
Pagkatapos ng graduation sa high school ay nagkahiwa-hiwalay sina Fatima Mae at ang kanyang mga kaklase. Wala na siyang balita sa mga ito. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang makasabay niya sa eroplano si Alejo Sampana.
Hindi kailanman niya maaaring makalimutan ito. He had been, after all, an inspiration in her life. At sa muling pagkikita nila, natanto niya na gaano man katagal ang panahong lumipas ay nanatiling nakadambana ito sa kanyang puso.
Ngunit tila may mabigat na dinadala ito sa dibdib. Nakikita niya iyon sa malungkot na mga mata nito. Maybe she could do something to erase that pain... what with all the love she had for him...