Ang tao raw na lubos na nauunawaan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ang may malalim na kakayahang magmahal nang totoo.
Na-in love si Shaye sa isang ordinaryo pero guwapong lalaki—si Rave—at masayang-masaya siya sa piling nito. Ang problema, hindi pa ito nagtatapat sa kanya. Okay lang iyon sa kanya; nakahanda naman siyang maghintay.
Nang sa wakas ay sinabi nitong may importante itong sasabihin sa kanya, na-excite nang husto ang puso niya. Maaga siyang dumating sa tipanan nila. Dahil wala pa ito, naisipan niyang magsimba. Sa pagkainip ay nakipagkantahan siya sa mga bata na nasa loob ng simbahan. Kinuha pa niya ang ilang piyesa ng kanta na di-sinasadyang naiwan sa loob ng confession box.
Then a man came and thought she was a priest. Kilalang- kilala niya ang boses nito. Hindi siya maaaring magkamali, si Rave iyon! Bigla itong nagkumpisal sa kanya sa pag-aakalang alagad siya ng simbahan. At nalaman niya ang isang sekretong hindi niya inaasahang magpapabago sa buhay niya.