Maganda, matalino, active at sikat sa campus si Cielo Grace Bernardino. Pero sa kabila ng magagandang katangian, pinangingilagan siya ng mga lalaki dahil sa pagiging black belter sa tae kwon do. Pero wala siyang pakialam. Dahil inilalaan niya ang sarili para sa nag-iisang lalaking pinapangarap—her best friend, Jaime Santillan. Kahit na kasingkapal ng taba nito sa katawan ang pagiging manhid, willing siyang maghintay hanggang sa makita siya ng binata bilang isang babae.
Yes, nakahanda siyang maghintay, iyon ang kanyang plan A. Pero sumulpot ang itinuturing niyang karibal sa atensiyon ni Jaime kaya forget plan A and proceed to plan B—get Jaime by hook or by crook.