Basta nandito lang ako lagi sa tabi mo kahit anong mangyari. Aalis lang ako kapag ikaw na mismo ang nagsabi sa akin.
Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Chastity kay Bryan, ang boyfriend ng kanyang kakambal na si Prudence. Kaya nang maghiwalay ang dalawa, isang bahagi ng kanyang puso ang lihim na natuwa. Sinabi ni Chastity sa sarili na siya lamang ang babaeng karapat-dapat na mahalin ni Bryan. Ginawa niya ang lahat para matutuhan siyang ibigin ng binata.
Hindi naglaon ay nagkaroon din ng kaganapan ang kanyang pangarap at naging sila na nga.
Ang akala ni Chastity ay magiging maligaya na siya sa piling ni Bryan ngunit nagkamali siya. Huli na nang mapagtanto niya na isang malaking pagkakamali ang umasa sa pag-ibig ni Bryan sapagkat malinaw naman na ang kapatid pa rin niya ang tunay na mahal ng binata.