Guwapo at mayaman, iyon ang mga katangian ng lalaking hanap ni Averill para sa katuparan ng happy ending na pinapa- ngarap niya. Kevin, on the other hand, was just looking for a perfect fling, the kind that could spice up his entire week with no strings attached. Iyon ang dahilan kung bakit kahit gaano pa kalakas ang dating ni Kevin sa kanya, pinilit niyang huwag magpadala sa atraksiyong nararamdaman niya para dito.
Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana dahil isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na isinuko ang “Bataan” dito. Hindi tuloy niya alam kung saan ibubunton ang sisi: sa nainom ba niya na tequila, o sa sariling katangahan? Lalo pa siyang nagsisi nang makumpirma niyang tama ang lahat ng mga haka-haka tungkol kay Kevin nang mawala na lang ito na parang bula pagkatapos may mangyari sa kanila. He left her all alone with a broken heart and a wounded ego.
May pag-asa pa kayang maranasan niya ang happy ending na pinapangarap niya?