You can love me all you want.Hindi ako magrereklamo, pramis!
Si Shanela ay isang romance writer na walang panahon sa sariling love life. Uunahin pa ba niya ang pag-ibig gayong hindi man lang niya malinis at maayos ang kanyang bahay? Pero ginising ni Rayleigh ang natutulog niyang puso. Hindi man naging maganda ang una nilang pagkikitanagkasagutan sila at muntik na niyang isama ang lalaki sa listahan ng mga pinakaayaw niyang tao sa mundokalaunan ay nagkabati rin.
At iyon ay dahil sa isang kasunduan.
Sa loob ng mga araw na magkasama sila ay na-realize ni Shanela na hindi mahirap mahalin ang lalaki. Para sa kanya, si Rayleigh na ang pinakamaalalahanin, pinaka-sweet, at pinaka-gentleman na lalaking nakilala niya. She fell in love with him kahit alam niyang hindi kayang suklian ng lalaki ang kanyang nararamdaman.
May pag-asa pa kayang magka-happy ending din ang sariling love story niya?