“Pagtawanan mo na ako kung gusto mo. Sabihin mo nang baduy o madrama ako. Pero kailangan kita para maging masaya ako.”
Masasabing successful na si Alanis sa buhay niya. Wala nang kahit sinong makapagsasabi sa kanya na hindi siya good enough. Ang tagumpay na tinatamasa niya ay malaki ang itinutulong sa kanya para maging matatag siya. Pero ang mga tao sa paligid niya ay ipinagpipilitan na panahon na para umibig siya. At wala siyang balak na sundin ang mga ito. Love equals heartache. Mas dapat niyang pag-aksayahan ng panahon ang paghahanap ng bagong modelo na pasisikatin niya.
At sinuwerteng nakita niya si Pablo na taglay na yata ang lahat ng potensiyal na mayroon ang isang “Alanis’ Discovery.” Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at pinilit niya itong maging modelo. Nadiskubre niya ang lahat ng magagandang katangian nito at iyon ang hindi niya napaghandaan.
Masyadong loveable si Pablo. Pero gaya ng pagpilit niya rito sa pagmomodelo, mukhang kailangan rin niyang pilitin ito na mahalin siya.