Minsan, kailangan mo ring ipakita sa taong mahalaga sa iyo na hindi ka dapat iniiwan.
Hannica was a tough woman. Iyon ang nais niyang patunayan sa kanyang ama kaya nagpulis siya. At dahil sa katapangang iyon, hindi na niya kailangan ng isang lalaking mag-aalaga sa kanya. Hanggang dumating ang kamalasan sa buhay niya hatid ng isang lalaking napagkamalan niyang kidnapper: si Sid. Mula nang nakilala niya si Sid ay nagsunod-sunod na ang kamalasan niya sa buhaymula sa sapilitang pagpapakasal niya sa lalaki at sa pag-alis niya sa serbisyo bilang pulis.
Pero habang lumilipas ang mga araw na magkasama sila, nadidiskubre ni Hannica ang damdamin para kay Sid. At mukhang tama nga ang hinala niya na kidnapper itodahil kinidnap nito ang kanyang puso