Higit pa sa maasim na mangga ang pag-ibig sa pilit. Ngunit hihintayin kong mahinog ang manggang maasim upang anihin ko ang tamis nito
Humalik man ang langit sa lupa ay hindi mo na maibabalik ang lahat, Gian Carlo Madrigal, deklara ni Arianna. Dahil wala akong balak na magpaalipin muli sa makasarili mong pag-ibig.
At kung humalik man ang langit sa lupa, titiyakin kong hindi na kailanman maghihiwalay ang mga iyon, sweetheart, pilyong turan ng binatang administrador ng Casanova Tower.
At gaya ng isinumpa ni Gian Carlo sa sarili nang sapilitan silang paghiwalayin ng mga magulang eight years ago, sa muli nilang pagkikita ni Ariannaang dalagang idinambana niya sa pusoy sisiguruhin niyang hindi na uli ito makakawala.
Pero sa sumunod na Madrigal-Lopez nuptials, nakatitiyak ba ang magsing-irog na nalampasan na nila ang lahat ng mga balakid sa kanilang pag-iibigan?