Upang makalayo sa magnetismo ng pag-ibig na inihain ni Griego sa kanyay nagpisiyang umalis ng Pilipinas si Yasmine, na patuloy sa pag-asam na babalik pa rin ang missing-in-action na fianc, si Alec.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Pinagtagpo silang muli ni Griego sa California, kung saan itinatawa ng lalaki ang nakatakdang kasal nito kay Jana Romero mapatunayan lang si Yasmine at wala nang iba ang nararapat nitong ibigin at pakasalan.
Malapit nang bumigay ang dalaga sa matinding pag-ibig ng lalaki nang dumating ang balita tungkol sa kinaroroonan ni Alec.
Buhay pa kaya talaga si Alec?
Paano si Griego na aminin man niya o hindi ay nagkaroon na rin ng puwang sa puso niya?