“Gaano man katindi ang galit na naramdaman ko sa `yo ay hindi ko pa rin magawang turuan ang puso ko na saktan ka. You’re still the one I am longing for.”
Dahil sa isang blind date ay muling nagtagpo ang mga landas nina Paula at Koen. And surprisingly, sa halip na magalit sa muli nilang pagkikita ay mukhang masaya pa ang binata. Ipinagtataka iyon ni Paula dahil nasaktan niya ito noon nang maghiwalay sila.
Nakakasorpresa rin ang magandang trato na ibinibigay ni Koen. Hinahanap-hanap ni Paula ang ganoong pakiramdam: ang spark, ang kilig, na walang kahit sinong makapagbigay sa kanya maliban sa dating kasintahan. And eventually, natagpuan niya ang sarili na muling iniibig si Koen.
Niligawan siya nito at ipinaramdam na mahal siya sa kabila ng mga nangyari sa kanila.
Or so she thought.
Dahil nalaman niya ang totoong dahilan kaya nakipaglapit sa kanya si Koen. Mukhang sa pangalawang pagkakataon ay masasaktan na naman siya nang dahil sa binata.