Bakit ba galit na galit ka na mahal na mahal kita? Kung naiinggit ka, di mahalin mo rin ako!
Five years ago, Crescent was forced to choose between love and family, and she chose the latter.
Sa pagbabalik niya sa Pilipinas, muling nagkrus ang mga landas nila ni Terrenceang lalaking sinaktan at iniwan niya limang taon na ang nakalilipas. Mukha namang masaya na ang binata sa buhay dahil bukod sa matagumpay na racer, mayroon na rin itong bagong nobya.
Kaya hindi maintindihan ni Crescent kung bakit galit na galit pa rin si Terrence sa kanya. Wala na siyang balak balikan ang binata at ang nakaraan nila, pero makulit si Terrence. He says he hates her, but he hates her as much as he wants her in bed.
Gaya ng binata ay naguguluhan na rin si Crescent sa kanyang damdamin. She is supposed to get away from him, pero namalayan na lang niyang unti-unti silang bumabalik sa kung ano sila dati.
He is ready to give up everything he has now to be with her again. Pero muli, nalalagay si Crescent sa sitwasyon kung saan kailangan niyang mamili sa pagitan ni Terrence at ng kanyang pamilya.