Hanggang sumisikat ang araw sa silangan at nagpapakita ang buwan sa gabi... ganoon kita kadalas isipin, ganoon katagal kita mamahalin .
Mula nang mamatay ang papa ng equestrienne na si Sarah ay hindi na muli pang sumakay sa kabayo ang dalaga. Naging sunod-sunuran na lamang siya sa mga kagustuhan ng mama niyang si Charito. Pakiramdam tuloy niya ay wala na siyang kalayaan.
Ngunit pagkalipas ng anim na taon ay nakatakda nang magbago ang lahat kay Sarah nang makita niyang muli si Butterscotch, ang kabayong iniregalo ng papa niya sa kanya. Nanumbalik ang kumpiyansa niya sa sarili at nararamdaman niya ang presensiya ng kanyang papa tuwing nakasakay siya kay Butterscotch.
Subalit iba na ang nagmamay-ari sa kabayoang simpatiko at guwapong si Marco. Para mapasakanya ang kabayo ay may ibinigay na mga kondisyon si Marco na dapat munang tuparin ni Sarah.
Sa huling competition na sasalihan niya ay hindi lamang gintong medalya ang nakataya. Her heart was also at stake, dahil magmula nang makilala at makasama niya si Marco ay may kakaiba na siyang nadama para sa binata.
Subalit paano ang kasal nila ng fianc niya?