Maraming beses na kitang natagpuan sa aking mga panaginip. Ikaw ang babaeng para sa akin. And youre the woman I see myself growing old with.
Isang antigong kuwintas ang magdadala kay Natalie sa babaeng ipinapahanap ng kanyang abuelo. Si Consueloang natatanging babaeng minahal nito. Subalit isang hindi inaasahang lalaki ang kanyang natagpuan sa paghahanap na iyon.
Natagpuan ni Natalie si Allan. And she found love.
Natagpuan din niya si Consuelo And she was able to fix a broken heart.
Subalit ang kapalit yata niyon ay ang pagkawasak naman ng kanyang puso.