“Hindi mo naman ako nakuha sa kaguwapuhan mo, o sa yaman mo, o sa talino mo. I fell in love with you because of your inner substance. Kahit hindi ganyan ang hitsura mo, mapapaibig mo pa rin ako.”
Sapphire Legazpi—an award-winning journalist, matapang at hindi natatakot kahit makapangyarihang tao pa ang makabangga. Hindi rin siya naniniwala sa mga romance story na ang mga hero ay may mala-Greek god na hitsura.
Hanggang isang napakalaking balita ang na-scoop ni Sapphire at naging daan upang makilala niya si Hanz Aranuez, youngest and richest Filipino businessman. He was too good to be true para sa ibang babae, pero sorry na lang dahil hindi siya nadadala sa ganoon. Isa pa, si Hanz ang kontrabida sa istoryang isinusulat ni Sapphire sa kanilang pahayagan.
Subalit nang makasama niya si Hanz Aranuez sa iisang bubong ay nagbago ang takbo ng kanyang isip… at tibok ng puso. Ang villain sa kanyang news story ay naging Prince Charming ng kanyang love story…
Paano nangyari iyon?