"Lagi akong nagdadasal. Kinukulit ko ang Diyos na sana, maawa Siya sa akin at makita na uli kita."
Kung inaakala ng mga magulang ni Honeylette na kaya siyang manipulahin ng mga ito ay nagkamali ang mga ito. Dahil kaya rin niyang manipulahin ang sitwasyon, ang panahon, kasama na ang guwapo at inosenteng si Alvarona hardinero nilaupang umayon ang lahat sa plano niya.
Ngunit sa paglipas ng mga taon ay napatunayan niyang nagkamali siya ng akala. Namuhi at nawala sa kanya si Alvaro, habang ang mga magulang naman niya ay pilit siyang ipinapakasal sa lalaking pinili ng mga ito.
Pagkaraan ng pitong taon ay nagkita uli sila ni Alvaro. Ibang-iba na itomayaman, edukado at kaya na nitong manduhan ang sinumang nakapaligid dito.
Muling nahulog ang kanyang loob dito. Ngunit nang matuklasan nito ang mga lihim niya, he dropped her like a hot potato. Worse, magpapakasal na ito sa iba.