I'll give you a dose if of your medicine, you spoiled rotten brat.
Lately ay napapansin ni Ezra na masyadong masayahin, health conscious, at hindi na workaholic ang kanyang ama. Madalas itong lumabas kasama si Dofia Corazon. Kinakabahan siya. Balak na ba nitong palitan ang kanyang sumakabilang-buhay nang ina? Mag-aasawa na ba uli ito?
Hindi siya makakapayag! Gagawin niya ang lahat para hindi matuloy iyon.
Kinutsaba niya si Magnum, ang anak ni Dona Corazon. Pinakiusapan niya ito na samahan siya sa islang pinuntahan ng daddy niya at ng mama nito. Gusto niyang bantayan ang kanyang ama.
Pumayag si Magnum. At para daw hindi maging kataka-taka ang kilos nila, magpanggap daw silang magkasintahan. Pumayag siya.
Ngunit ang hindi niya inaasahan ay darating pala ang araw na gusto na niyang totohanin ang pagpapanggap na iyon!