Isang romance novelist si Dana. Nagkaroon siya ng writer’s block. She needed a change of atmosphere kaya nagpasya siyang pumunta sa bahay-bakasyunan ng isang kaibigan sa Aparri, Cagayan.
Pero binulabog ng pagdating ni Bayani Braganza ang katahimikan at konsentrasyong hinahanap niya.
Dahil parehong ipinagpipilitang pumirmi sa bahay-bakasyunan walang ibang option kundi pagsaluhan nila iyon…
“Akala ko ba mas gusto ng mga babae ang mga lalaking may balbas at bigote? Like Juan Miguel?”
“He’s only a character na ginagawa ko. Imagination ko lang `yon bilang writer.”
“How about those love scenes?”
Bumilis ang tibok ng puso ni Dana.
Hanggang na-realize ni Bayani na hindi lang ang bahay-bakasyunan ang dapat nilang pagsaluhan ni Dana. He wanted her in his bed. And in his life…