Nagkakilala sila sa panahon na pareho nilang kailangan ng isang makakaramay. Si Justine, namimighati sa naging kabiguan sa unang pag-ibig. At si Dakila ay kasalukuyang naglalagalag para tuluyang makalimutan ang isang mapait na nakaraan.
They found comfort in each other's arms.
"We will try our best to make this relationship work," pangako ng binata.
Ngunit may agam-agam sa kanilang mga puso. Hindi lang dahil magkaiba ang kanilang kultura, salita , at kulay ng balat. Pero kailangan nilang mahalin ang isat-isa.