Isang romance novelist si Dana. Nagkaroon siya ng writer's block. She needed a change of atmosphere. At nagpasya siyang pumunta sa isang lugar. Binulabog ng pagdating ng isang Bayani Braganza ang katahimikan at konsentrasyong hinahanap niya.
Dahil parehong pinagpipilitang pumirmi sa bahay-bakasyunang iyon, walang ibang option kundi pagsaluhan nila ang cottage...
"Akala ko ba, mas gusto ng mga babae ang mga lalaking may balbas at bigote? Like Juan Miguel?"
"He's only a character na ginagawa ko. Imahinasyon ko lang 'yon bilang writer."
"How about those love scenes?". Bumilis ang pintig ng puso ni Dana.
Hanggang na-realize ni Bayani na hindi lang ang bahay-bakasyunang iyon ang dapat nilang pagsaluhan. He wanted her in his bed. And in his life...