Ive been in love with you ever since. But you were too distant. Kaya naman nagkasya na lang ako sa pang-iinis sa`yo, makuha ko lang kahit saglit ang pansin mo.
Hindi inaasahan ni Nicole na magbabago ang kanyang pagtingin kay Henry. Pagkatapos ng gabing nakasama niya ang binata nang buong magdamag sa tabing-dagat ay unti-unti rin niyang natuklasan na may sense at sweet pala si Henry. Pero dahil bago ang mga pangyayari ay hindi binigyang-pansin ni Nicole ang damdamin na umusbong sa kanya.
Ngunit bumalik din ang dating Henry na kanyang kinaiinisan sa pagbabalik ni Johnny, ang kapatid ni Henry na noon ay gusto niya. Dahil doon ay napilitan si Nicole na sumang-ayon sa ideya ni Johnny na pagselosan ang kapatid nito. Pero hindi tulad sa inaasahang aamin na sa damdamin ay bigla na lang hindi nagpakita si Henry sa kanya