Dont hold back and fall for me.
Napagkasunduan ni Love at ng kaibigan niyang si Lance na hanapin ang naligaw na yatang Mr. Right niya. Magtu-twenty-five na siya at ang masaklap pa, no boyfriend since birth ang drama niya. Never naman sa buong buhay niya na pinangarap niyang maging matandang dalaga. So it was now or never, she embarked on a quest to find Mr. Right!
But along the way, hindi inaasahan ni Love na magkukrus muli ang mga landas nila ng numero unong babaerong nakilala niyasi Ellison Calyxto Casanova. Panay ang iwas niya sa lalaki kaya panay din ang pangungulit nito sa kanya. Gusto kasi nito na tigilan na niya ang kanyang kalokohan at silang dalawa na lang ang mag-date na hindi naman mapapayagan ni Love dahil minsan na siyang nasaktan ni Calyx.
Ngunit makakaya kaya niyang tuluyang iwasan ang lalaki kung sa pagkakataong ito ay unti-unti nang natitibag ni Calyx ang pader na ginawa niya?