Simoun was scared of talking to girls. In fact, he needed a manual on how to talk to girls. That was until he met Bubblegail.
Wait, hindi iyon dahil sa kung ano mang romantic na bagay. Naiirita lang kasi siya sa mali-maling English idioms na ginagamit ni Bubblegail kaya napipilitan siyang itama ang mga sinasabi nito. Dahil tuloy sa pagkausap niya sa babae ay napilitan siyang pumayag sa mga demanding request nito.
Pero ang pinakamalaking problema niya, sikat na artista si Bubblegail na humaharap ngayon sa kontrobersiya. Dahil sa pagdikit-dikit ng babae sa kanya, nagulo rin ang pribado niyang buhay. Not that he was complaining. Ayaw man niyang aminin, pero in love na siya sa babaeng mali-mali gumamit ng idiom. It seemed like she loved him, too. Key word: seemed.
He considered himself as a video game geek, pero wala siyang alam sa paglalaro ng feelings ng ibang tao. Kaya hindi niya maintindihan kung paano siya nagawang paglaruan at iwan lang ni Bubblegail sa huli.