It was love at first sight for Matt. From the moment he saw Cottonkelly's pink hair, he decided to make her fall for him, too. Well, ang problema lang, mas mahirap i-spell ang mga babae kaysa sa scientific name ng mga halaman. Ganoon din ang kaso kay Cottonkelly. Mabait ito sa kanya, pero mailap din at parati pang sinasabing hindi na sila magkikita uli. Kaya napilitan si Matt na gamitin ang impluwensiya niya para ibigay ang bagay na gustong-gustong makuha ni Cottonkelly nang hindi nito alam. Dahil doon ay napigilan niya ang paglayo nito. Marami pang ibang bagay na minanipula si Matt hanggang sa makipag-date na sa kanya si Cottonkelly. For him, it was simply a scientific method to make her love him back. Pero nang malaman ng dalaga ang mga ginawa niya, nagalit ito at nakipag-break pa sa kanya. Mahanap na kaya ni Matt ang tamang love formula para magkaro'n pa sila ng happy ending ni Cottonkelly?