Kahit bad trip ang lalaking ito, napakatamis pa rin ng halik nito. It’s not fair!
Naiinggit si Camille sa kakambal niyang si Seville na isa nang international singer. Habang siya, isang local model pa lang. Gusto niyang patunayan ang sarili sa lahat ng mga nagsasabi na ‘she’s the lesser sister,’ kaya sumali siya sa isang Asian reality TV show para sa mga modelong tulad niya.
Doon, muling nagkrus ang mga landas nila ni Zach Samonte—ang lalaking minahal na niya mula pa pagkabata.
She was still very much in love with him. But Zach, on the other hand, was still very much irritated to her liberated and straightforward personality. She was badly hurt. But when she was about to give up on her strong feeling towards him ay bigla naman nagtapat si Zach ng pag-ibig sa kanya.
Masaya na sana si Camille. Pero dumating ang isang malaking opportunity na maging sikat sa ibang bansa kaya kailangan niyang iwan si Zach… Kahit na labis iyong tinututulan ng kanyang puso.