“Basta para sa `yo, nakahanda akong magpakabaduy. Naisipan ko ngang maging secret admirer mo noon, `di ba?”
Dahil sa pangako sa isang kaibigan, tinanggihan ni Harleigh ang pag-ibig ng lalaking lihim din niyang itinatangi—si Adler. That was eleven years ago. Mga bata pa sila noon.
Now, Adler was back in town—sikat, hinahangaan, a somebody. Na-realize ni Harleigh na hindi pa rin nagbabago ang damdamin niya sa lalaki at handa na siyang panindigan ang nararamdaman.
Pero interesado pa ba si Adler sa kanya?