I will be here for you, Argana In your quietude or distress; in your agony or fear or happinessIll always be here.
Napakarami nang kabiguan ang naranasan ni Argana. Noong sanggol pa lamang siya ay may mag-asawang nagpadukot sa kanya dahil walang anak ang mga ito. At nang magkikita na sila ng tunay niyang mga magulang, naaksidente naman ang mga ito at namatay.
Ngunit naging mabait pa rin kay Argana ang Diyosnakilala niya si Gus, ang lalaking lampas pa sa perfect standard ng isang tunay na lalaki. Makikipaglaban si Gus ng paguwapuhan sa namayapang si JFK, Jr., makikipagtunggali rin sa mga Ayala sa larangan ng negosyo. Kahit nga si Kupido ay inunahan na nito sa bilis na mapaibig siya.
Si Gus ang nagsilbing healing balm nang mga panahong nagluluksa pa si Argana sa pagkamatay ng mga magulang; tinuruan siya nitong tumawa at humawak sa pag-asa. Ipinaalam nito kung paano maging masaya at umasam ng ligaya.
Tinuruan din siya nitong umibigat umiyak.