Ive already found real love with you. Ill be with you till death do us part.
Isang sikat na football player si Jonas Cyclone Pearson. Sa araw na magpo-propose siya sa kanyang girlfriend ay dinukot siya nina Rageon at Trois.
Sa pamamagitan ng blackmail, torture, at pagbabanta sa buhay at career ay napilit siya ng dalawa na magpanggap bilang si Nash at makipagkita sa bunsong kapatid ni Rageon na si Iraine. Na-in love kasi si Iraine kay Nash na kamukhang-kamukha niya. Sa kung anong dahilan ay naglahong parang bula si Nash.
Binigyan siya nina Rageon at Trois ng dalawang linggo para mawala ang pagmamahal ni Iraine kay Nash. Dapat na kamuhian ni Iraine si Nash para makapag-move on na sa buhay ang dalaga.
Ngunit nang magkita sila ni Iraine, sa halip na mawala ay lalo pang lumalim ang damdamin ng dalaga para kay Nash!
Paano na siya na natutuhan na ring mahalin si Iraine?