Matinding panghihiya ang naranasan ni Rivero Martin sa kamay ni Lunariss Legazpi, ang pinakapopular, pinakamaganda, at pinakamatalinong estudyante sa eskuwelahan nila. Harap- harapang ipinamukha sa kanya ng dalaga na hindi siya pasado sa pamantayan nito ng lalaking mamahalin.
Bilang ganti ay sumumpa si Rivero na kakainin ni Lunariss ang lahat ng sinabi at siya ang lalaking pakakasalan nito balang-araw.
Pero sa paglipas ng mga taon ay nagawa rin niyang kalimutan ang kanyang mga sinabi. Nakamit niya ang tagumpay na hinahangadang maging sikat na professional tennis player. Handa na siyang lumagay sa tahimik sa piling ng kasintahang si Caroline.
Subalit nagulo ang maayos nang plano ni Rivero nang magkrus uli ang mga landas nila ni Lunariss. Natuklasan niyang dalaga pa ito at walang boyfriend.
Hinihintay ba ng dalaga na bigyang-katuparan niya ang kanyang sumpa?