The moment you became aware of me, hindi ko na nakontrol ang sarili ko. I guess Ive always known that if I started something with you, it would be this explosive
Nagboluntaryo si Trisha Garchitorena, kilala bilang Agent Prof ng Bureau na i-rescue ang isang agent ng Black Bureau at ang pamilya nito. Ngunit dahil hindi naman talaga siya isang field agent, itinalaga ng kanilang chief si Seth Anderson o Agent Sniper para maging kasama niya. It was the first time they would be working closely together. At para ma-accomplish nila ang misyon, kailangang magpanggap sila bilang mag-asawa. Madali lang nilang magagawa iyon. Sanay naman sila sa mga ganoong cover bilang agents.
Pero mukhang sineseryoso ni Seth ang pagiging asawa sa kanya. At siya naman, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya tuwing tititigan siya nito.
Sa unang pagkakataon, nalagay siya sa sitwasyong hindi niya kayang bigyan ng paliwanag. She seemed to be suffering from a fatal bout of sexual attraction. And Seth was putting her reputation as an elite psychiatrist and profiler in shame.
Absent ba siya noong magbigay ng lesson ang kanyang professor tungkol sa physical attraction?