NAGSIMULA ang problema nang hindi sinasadyang matanggap ni Agent Knight ang fax message na nagsasabing may cancer ang Lola ng field partner nitong si Kyrene. Nag-aalala, he waited until he'd brought her home before he broke the news. Tinawanan lamang iyon ni Kyrene kasi gimik iyon lagi ng lola niya para mapauwi siya. Pero nang makumpirma ng kanyang mga tiya na totoo iyon, she got so devastated that Kenneth stayed with her.
All night. In her bed.
The first night was excusable, pero ang maulit iyon ay komplikasyong hindi nila kailangan. Mabuting lumayo muna sa isa't isa bago sila tuluyang mahulog. Pero nang kailanganin ni Kyrene ng asawa" para hindi mapwersang pakasal sa lalaking pinagkasundo ng lola niya sa kanya-dahilan kung bakit siya laging pinauuwi in the first place-Kenneth did not hesitate to help her.