Bukod sa maganda, matalino at may sariling business, si Esme lang naman ang unica hija ng may-ari ng isa sa mga matagumpay na TV network sa bansa. What Esme wants, Esme gets. Puwera sa pinakamamahal niyang Filipino-Spanish actor na si Sage Alejandro na teenager pa lang siya ay crush na niya. Kaya isang malaking dagok sa pride ni Esme na tinanggihan ng lalaki ang kasal na iniaalok niya.
Pero hindi ibig sabihin na palalagpasin na lang niya ang pagtanggi ni Sage. Gagawin niya ang lahat para ma-realize nito na sila talaga ang para sa isa’t isa.
Akala ni Esme ay nagtagumpay na ang plano niya. Kaya ganoon na lang ang kanyang panlulumo nang malamang ibang babae pala ang gusto ni Sage na pakasalan!