Shopping Cart

You save ₱0.00 on this order.
Total

₱0.00

Checkout
Category
Bistro Guwapo Batch 2 Book 1; The Beach Club - Marco Vijandre
E-book

Bistro Guwapo Batch 2 Book 1; The Beach Club - Marco Vijandre

by: Maxine Del Carmen

₱45.00
Category: Precious Hearts Romances
Weight: grams
Texture:
Quantity:
Size:
Weight: grams
Texture:

Para kay Imee, isang malaking pagkakamali ang makilala si Marco. Guwapo ito pero ubod ng sungit at ang bukod-tanging lalaking nagpalabas ng sungay niya. Hindi niya alam kung naiinis ito sa presensiya niya o talagang may problema lang sa magaganda.
Umabot pa sa puntong nilalait ni Imee si Marco para gumaan ang kanyang pakiramdam. Alam ni Imee na ginagawa lang niya ang bagay na iyon para pagtakpan ang totoong nararamdaman. Mula kasi nang makilala niya si Marco ay naramdaman na niya ang isang damdaming hindi pamilyar sa kanya. Hindi pa man sila pormal na magkakilala ay nagagawa na nitong pasirkuhin ang kanyang puso. Hindi niya hahayaang mangyari iyon.
Pero hindi nangyari ang ipinangako ni Imee sa sarili dahil naramdaman na lang niyang nahuhulog na ang loob niya kay Marco. Lalo lang siyang nakumbinsi na pareho sila ng nararamdaman nang ibigay ni Marco sa kanya ang puzzle piece na magpapatunay sa nararamdaman nito para sa kanya.
Pero ang sayang naramdaman ni Imee ay biglang tinangay ng hangin nang sabihin ni Marco na hindi siya nito kayang mahalin.

    There are no ratings for this product yet.

Related Products

Download our new eBooklat App

Experience our new app and subscribe.

ImageImageImage
Image
Image