Kahit nagkalayo tayo, sa puso ko ay magkasama pa rin tayo sa bawat araw na nagdaan.
Nanganganib na mapaalis ang matatandang ulila na nakatira sa beach house dahil balak ni Tyler Villaroel na gawing resort ang beach. Pinuntahan ito ni Prima at pinakiusapang huwag nang ituloy ang binabalak. Ngunit hindi nakinig si Tyler sa pakiusap niya.
Isang gabi, naiba ang pangyayari. Nadisgrasya si Tyler, at nagkaroon ng amnesia. Sinamantala ni Prima ang pagkakataon. Sinabi niya kay Tyler na asawa siya ng lalaki upang mas madali niyang maipaunawa ang kahalagahan ng beach house sa matatanda.
Paglipas ng mga araw, nakita ni Prima ang isang bahagi ng pagkatao ni Tylermabait ito, may puso, ibang-iba sa Tyler na una niyang nakilala. Unti-unti ring nahulog ang damdamin ni Prima sa binata. Nahiling tuloy niya na sana ay hindi na lamang bumalik ang memorya nito...