Ang babaeng balak kong pakasalan, shes standing right in front of me.
Nataranta si Maja sa pagpunta sa Hacienda Montellano upang alamin kung ano na ang nangyayari sa kanyang kapatid na si Philip. Journalist si Philip na gustong mag-cover ng isang interesting scooptungkol sa isang sikat na basketbolista na nagtatago sa Hacienda Montellano.
Doon nakilala ni Maja si Bonn Montellano, ang binatang may-ari ng hacienda. Naipit siya sa sitwasyong kagagawan ng kapatid.
Nagpanggap si Maja na isang katulong sa bahay ng mga Montellano. At nang lumaon ay natuklasan din ni Bonn na nagpapanggap lamang silang magkapatiddahil itinanan ni Philip ang kapatid ni Bonn na si Teresa.
In exchange for his sister, Bonn held her a prisoner in his house. Sa ilang araw na naging bihag si Maja ni Bonn ay natagpuan din niya ang puso na bihag na rin ng binata...