Hayaan mong i-manipulate ka ng puso mo. Subukan mong magmahal nang buong puso at walang hinihintay na kapalit.
Hindi naranasan ni Pam ang magmahal at mahalin. Dahil para sa kanya, pare-pareho lamang ang ugali ng mga lalaki. Mambobola at manloloko.
Nanghihinawa na si Pam sa paghihintay sa lalaking tutugma sa mga kuwalipikasyong hinahanap niya nang umeksena si Greg. Pasado na sana ang lalaki sa panlasa niya kung hindi lamang sila na-involve sa isang insidenteng pareho nilang hindi naiwasan. Dahil dooy kinailangan ni Pam na turuan ang kanyang puso na ituring na kaaway si Greg sa halip na isang kaibigan.
Kahit pilit niyang itinatago ang kilig sa bawat paglalambing nito. Kahit kinokontra niya ang bawat sabihin nito. Kahit umiibig na siya rito