“Tama ka. Ang daming babae sa mundo. Pero marami ka ba? Isa ka lang, eh. At katulad ng sinabi ko noon sa kaibigan ko, you’re not a girl, you’re the girl.”
Unang kita pa lang ni Aya kay Thad, hindi na niya nagustuhan ang attitude ng binata. Wala kasing ibang ginawa si Thad kundi ang kulitin siya at ipagsabi sa lahat kung gaano siya nito kagusto. The more she kept on pushing him away, the more he kept himself closer. Pero hindi talaga siya tinatablan sa ipinagmamalaking charms ng kumag.
Para kay Aya, Thad was a playboy and would always be one. Natsa-challenge lang sa kanya ang binata dahil siya lamang ang hindi nadadala sa kalandian nito. Nah! Hindi bale nang mamatay siyang virgin kaysa magpauto sa talipandas na lalaki.
Yet, a topsy-turvy twist came with a shock. Bigla na lamang kasing nagbago ang tingin ni Aya sa binata. Thad made her feel like a princess though he wasn’t her Prince Charming. Hanggang sa tuluyan nang lumihis ng landas ang mga paniniwala niya tungkol kay Thad kasabay ng pagkahulog ng kanyang loob sa lalaking suki ng pickup lines.
All right, hindi si Thad ang pinangarap ni Aya na maging prinsipe sa kanyang imaginative fairy tale. Definitely not. But then, a fairy tale didn’t say that it was a bad idea to fall for a villain… or did it? Because as she finally gave him her love, he gave her pain in return.