“I’m going to prove to you that I’m better than him. Mas kaya kitang mahalin kaysa ng lalaking iyon.”
Binalak ni Saida na tumutol sa kasal ng kanyang first love na si Bobby. Handa na siyang sumugal para lamang sa baliw na pag-ibig na iyon. Ngunit sa kamalasan ay na-late siya nang dalawampu’t limang minuto—kasal na ang lalaking mahal niya. Pero tila may ibang plano sa kanya ang pagkakataon. Sa simbahang iyon ay nakilala niya si Nathan, ang lalaking lasing at sa tingin niya ay walang modo sa kabila ng pagmamagandang-loob niya rito. Hindi niya inakalang hindi pa pala iyon ang magiging huling pagkikita nila ng binata. Nathan started pestering her. Hayagang sinasabi nito ang pagkagusto sa kanya. Pero maniniwala ba ang puso niya kung kaliwa’t kanan ay naroon ang mga babaeng humahabol dito? At handa na ba siyang magmahal uli?