Walang makaaagaw sa puwesto mo dito sa puso ko.
S-Sean?
Yes?
If youre going to kiss me, magagalit kaya ako?
Thats what Im thinking. Lumunok muna ito bago marahang bumaba ang mukha sa kanya.
Napapikit siya.
Siniil nito ng halik ang kanyang mga labi at niyakap siya nang mahigpit. Nagpaubaya naman siya.
Nang maghiwalay sila ay napatitig sila sa isat isa. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Anong gagawin natin ngayon? Batid niyang simula sa araw na iyon, hindi na sila maaaring maging mag-best friends na lamang.
Well just let this grow, sabi nito.
Ngunit kung kailan nadiskubre nila ang damdaming iyon sa isat isa ay saka naman...