Hindi bat gusto nyong mga babae na laging hinahalikan, sinasabihan ng endearments, at nilalambing?
Nang ipagkasundo si Mariella na ipakasal sa nag-iisang tagapagmana ng Hacienda Balverde, hindi siya tumanggikahit pa malayo sa karakter ni Japhet Balverde ang pagiging isang knight in shining armor.
Subalit nang akusahan siya ni Japhet na dahil sa pinirmahan niyang prenuptial agreement kaya ayaw niyang sumiping dito at wala rin daw siyang ipinag-iba sa mga nagdaang babae rito na kung hindi gold digger at oportunista ay taksilora-orada itong tinakasan ni Mariella.
Lumayo siya at nagsikap umunlad sa sariling kayod. Ngunit natunton siya nito pagkalipas ng ilang taon, at muling ibinalik sa hacienda.
Nang muli silang magsama, ipinakita ni Mariella na hindi na siya ang dating kikimi-kimi at laging sunod-sunuran. Tinapatan niya ng kaprangkahan ang pagiging laging aburido ni Japhet.
Hanggang sa ito na ang sumuko, at sabihing pinalalaya na siya. Ano at siya naman itong ayaw lumaya? Lalo na nang maranasan niyang muli kung paano mapabilanggo sa mga bisig at halik nito.