Everytime he looked at her eyes, he would suddenly turn into a different person.
Dahil sa pangit na kaanyuan ay nagpasya si Arthur na ikulong ang sarili sa loob ng malungkot na mansiyon. Tahimik ang buhay niya hanggang sa may isang magandang babae na pumasok sa loob ng tahimik at mapanglaw na mundo niya. Hindi lamang ang mundo niya ang pinasok at binulabog nito kundi maging ang kanyang patay na puso at isipan.
Belle gave him a new heart and breathed life into him once again. Ito lamang ang tumingin sa kanya na walang bahid ng takot o pandidiri. Natagpuan na lamang niya ang sariling umaasa na maaaring maging normal uli ang buhay niya sa kabila ng malahalimaw na mukha at pagkatao niya.
Subalit mali pala ang umasa. Dahil malayong-malayo ang totoong buhay sa pantasya. Kung sana ay kasindali lamang ng pagsasabi ng salitang mahal kita ang pagkaputol ng bangungot at sumpa ng nakaraan na nakatatak na hanggang sa kahuli-hulihang bakas ng pagkatao niya.
Pipiliin ba niyang makasama ito gayong maaaring maulit na naman ang masalimuot na nakaraan?