She still loved him. Ganoon pala ang pagmamahal. Kahit anong inis o galit mo sa isang tao ay mahihirapan kang tuluyang kamuhian ito. At the end of the day, you’d still forgive him.
Mula pagkabata ay lagi nang kumukulo ang dugo ni Emy kay Juan. Para kasi kay Juan ay nagsisipsip lang siya sa lola nito para umangat sa buhay at para masira ito. Pero hindi inaasahan ay nabiktima sila ni Kupido. They fell in love with each other. Iyon ang akala niya—dahil siya lang pala ang nahulog dito. Umamin ito sa harap niya mismo na pinaibig lang siya nito upang makaganti sa kanya. Dahil doon ay naghiwalay sila na may galit sa isa’t isa.
Juan left and never came back. Hanggang sa lumipas ang sampung taon at napilitan itong bumalik dahil nalaman nitong ibibigay ng lola nito ang hacienda sa kanya—na dapat ay mamanahin nito. Nagbalik ito upang bawiin ang lahat ng bagay na inagaw niya—ang hacienda, ang lola at pamilya nito. Inaakusahan siya nitong mang-aagaw gayong ito naman ang may inagaw sa kanya—ang kanyang puso. Makatarungan ba iyon?