Parang joke lang ang assignment ni Apollo Marasigan. E-escortan lang niya ang adopted daughter ng isang heneral. Kasabay niyon, magiging resource person din siya nito dahil romance writer ang dalaga at nare-research para sa ginagawa nitong nobela. Ganoon lang; walang ka-thrill-thrill kung tutuusin.
Inaasahan na niyang magiging matanong si Quinn Cardenas, ang subject niya, pero hindi in-expect na mag-eenjoy siayng sagutin an mga tanong na iyon, kahit pa medyo personal na ang iba. Naging magkaibigan sila at unti-unti, na-realize niyang nanganganib na ang kaligtasan ng dog tag niya. Kahit alam niyang bawal ma-in love sa kanyang subject, iyon na yata ang nararamdaman niya.
Ngunit dagling napawi ang tuwa niya nang ipagtapat ng babae kung sino talaga ito: cover lang nito ang pagiging writer at ginamit siya nito para imbestigahan ang Sentinels Securities...